pep.zone
Welcome, guest. You are not logged in.
Log in or join for free!
 
Stay logged in
Forgot login details?

Login
Stay logged in

For free!
Get started!

Links


juday piolo - Man Woman
amazinggrace.pep.zone

(¨`°»~PINOY SHOWBIZ~«°`¨)

Ogie, respetado si Miriam!

Alfie Lorenzo

PASKO na talaga, kaya heto nga at may kanya-kanya na ring gift ang iba’t ibang kumpanya sa mga tao. Tulad na lang ng Eastwood City, may special na regalo sila para sa kanilang mga loyal patrons.

Aba, isang espesyal na concert series na Le Grand Festival at Eastwood City, ay tatampukan lang naman ng apat na matitinding diva ng bansa.

Pangungunahan ito ni Zsa Zsa Padilla sa Dec. 1. Susundan naman agad ito ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Dec. 9.

Hindi rin magpapatalo ang Queen of Soul na si Jaya dahil manghaharana naman siya sa Dec. 16. At ang finale ng concert series ay walang iba kundi ang Pop Diva na si Kuh Ledesma sa Dec. 23.

Ang Le Grand Festival at Eastwood City ang engrandeng simula ng Pasko sa tinaguriang bright satellite city at sabay na rin sa pinakahihintay na launch ng Eastwood Le Grand -- ang pinakabagong bonggang condominium sa Eastwood City.

Naku, tiyak na magi-enjoy ang mga music-lovers dahil libre ang nasabing concert series na magsisimula ng 8:00 pm sa Eastwood Central Plaza sa mga gabi ng nabanggit na dates.

So, go na kayo at isama ang inyong mga family and friends at siguradong enjoy kayo sa concert na may bonus pang Grand Fireworks Display sa Eastwood City skyline pag sapit ng 10:00 pm.

Anyway, limited ang seats kaya tawag na sa 687-6770 to 74 o mag-text (0917) 8EWCITY for more information!

***

Speaking of Regine, may concert naman ang kanyang partner na si Ogie Alcasid sa Dec. 2, ang Ogie Alcasid Sings His Greatest Hits, sa Casino Filipino (Pagcor) sa Paranaque.

Nag-react nga pala si Ogie sa tsismis na sila na ni Miriam Quiambao.

"Feeling ko lang, hindi yata ako puwedeng makipag-friends sa mga girls tulad ni Miriam. Napakabait ni Miriam. Madaling lapitan.

"Wala naman kaming ginawa ni Miriam sa Cebu. Siguro, ang pinaka-gentlemanly na ginawa ko ay `yung hinatid ko si Miriam sa hotel niya. Mataas ang respeto ko kay Miriam," say ni Ogie.

Ang concert ni Ogie ay prodyus ng Starview Productions, sa tulong ng PCSO, PLDT, Sea Air, Lamoiyan Corp., Mega Sardines, GNC, Chowking, Smart, Nature Spring at M Lhuillier. Para sa mga detalye, puwede kayong tumawag sa 636-6455/852-7758, o mag-log on sa www.ogiealcasid.com.
<><><><><><><><><><>

'Nativity' sa Vatican, Historic Event

Billy Balbastro

The world premiere of the film, The Nativity Story of New Line Cinema, directed by Catherine Hardwicke, starring Keisha Castle-Hughes as Mary and Oscar Isaac as Joseph, was a historic event in Vatican City last Sunday (Nov. 26).

It was the first feature film ever to premiere at the Vatican.

With about 7,000 spectators in attendance including the director, stars and guests of the Vatican, it was really an event.

The screening, preceded by the reading of the Gospel passage and a prayer written by Archbishop Agelo Comastri, was held at the Paul VI Hall.

The producers were grateful that Vatican embraced their film this way. In fact, the Nativity Story which presents the life of Mary until Jesus’ birth, served to collect funds to construct a school in Mughar, Israel whose population comprises of Christians, Muslims and Druze, 25 miles from Nazareth.

In our own way, Pioneer Films (Wilson Yulo Que) also made history with The Nativity Story. If the world premiere of the Nativity Story in Vatican was held on Sunday (Nov. 26), our own Manila premiere was held earlier by a day.

With the benevolence of Mr. Que of Pioneer Films, The Nativity Story had a special screening last Friday, Nov. 24, with some judges and justices in attendance.

Cardinal Gaudencio Rosales delivered an inspirational message. Also seen in the crowd were Archbishop Fernando Filoni, CBCP head Archbishop Angel Lagdameo.

Since the emphasis of the film is more on history other than the religious, the appeal of the film is universal.

I wish to thank Eloy Padua and colleagues Dennis Aguilar for inviting us to this special event. The movie will be shown in theaters this December.

***

HOME: Gina Pareño with her two best-actress-trophy from Brussels (Nov. 12) and Amiens, France (Nov. 18) after attending four festivals in Europe for her movie Kubrador with Direk Jeffrey Jeturian is now home.

She also attended the film festivals in Greece (Thessaloniki) and in Rome (The 7th Asiatic Film Mediale) in the last two weeks of November.

Earlier she won best actress for Kubrador in Osian’s Cine Fan in India and attended festivals in Moscow (May), Toronto (September) and Pusan (October) making her our undisputed Festival Queen with seven festivals and three trophies so far.

***

CLASSICS: The release of Filipino Classics is a highlight of the 25th anniversary of Viva Entertainment with the great Filipino songs interpreted by Basil Valdez with the San Miguel Philharmonic Orchestra.

Music was arranged and conducted by Ryan Cayabyab. Included are songs that date back to the 1920’s like Bayan Ko by Constancio de Guzman and Jose Corazon de Jesus and kundimans like Madaling Araw by Francisco Santiago and De Jesus, Bituing Marikit by Nicanor Abelardo and Servando delos Angeles.

Other songs included are Dahil sa Isang Bulaklak, Sapagka’t Kaming Tao Lamang, Babalik Ka Rin, Mahiwaga, Bakas ng Lumipas, Ugoy sa Duyan and Kung Nagsasayaw Kita.

Filipino Classics is now available in leading music stores.
<><><><><>><><><><><><><>

Walang Panty!
Dondon Sermino

NAKA-RECOVER na si Zsa Zsa Padilla mula sa kanyang sakit at operasyon kamakailan. Marami ang nag-alala sa kanya, dahil kahit payat na payat na siya ay tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya.

Sabi ni Zsa Zsa, alam niya na maraming tao ang nagsuspetsa sa tunay niyang sakit, dahil kitang-kita ‘yon sa kanyang mukha at katawan. Kaya raw agad niyang inamin kung ano ang sakit niya, at hindi ‘yon dahil sa problema niya sa pagkain.

"But I’m okey now. Tumataba na nga ako, eh," say ni Zsa Zsa, ang bida sa pelikulang Zsa Zsa Zaturnnah Ze Movee, na dinirek ni Joel Lamangan at prodyus ng Regal Entertainment.

Panay nga lang ang sabi ni Zsa Zsa na hindi pa pantay ang bahagi ng kanyang puson, dahil namamaga pa ang operasyon sa kanyang kidney.

Ipinaliwanag ni Zsa Zsa na kaya mas inuna niya ang trabaho kesa sa operasyon ng kanyang kidney, dahil sinabihan naman siya ng kanyang doktor na hindi ‘yon malala.

"It’s not a matter of life and death naman, eh. Kumbaga, puwede talagang paghintayin ang operation. Kasi, kung sinabi ng doktor ko na huwag na akong magtrabaho at magpa-opera na, uunahin ko `yung operasyon."

Anyway, masayang-masaya si Zsa Zsa sa syuting ng Zsa Zsa Zaturnnah. Medyo naloka lang daw siya sa costume na sinuot niya, dahil pakiramdam niya ay hubo’t hubad na siya.

"Ang feeling ko nga, sabi ko, nag-panty pa ako, kasi masyadong seksi `yung damit ko. Sabi ko, ‘Oh, my God, nag-panty pa ako. Kung wala lang stockings, feeling ko talaga, naked ako, parang wala akong panty. Sabi ko nga, feeling ko nasa beach ako. Ha! Ha! Ha! Ha!" nakangiting kuwento ni Zsa Zsa.

Ipinagmamalaki ni Zsa Zsa na siya talaga ang gumawa ng mga fight scenes sa pelikula. Hindi nga raw siya makapaniwala na nagawa niya ang tumalun-talon sa gitna ng kapayatan ng kanyang katawan.

Marami ang nagsasabi na magwawagi si Zsa Zsa ng best actress sa gabi ng parangal ng MMFF.

"Hindi ako nag-i-expect. Kahit before, hindi ako nag-i-expect na mananalo ng awards. Pero, nagugulat na lang ako, kasi sunud-sunod ang awards na nakuha ko.

"Pero, natutuwa ako kasi marami ang nagsasabi na mahusay raw ako bilang babaeng bakla! Ha! Ha! Ha! Ha!" sabi na lang ni Zsa Zsa.

Kasama rin sa Zsa Zsa Zaturnnah sina Pops Fernandez, Rustom Padilla, Alfred Vargas, Chokoleit, at marami pang iba.
<><><><><><><><><><>

Ms. Chile, may 'K' sa Ms. Earth!

Jojo Gabinete

SI Hil Hernandez Escobar ng Chile ang top winner ng Miss Earth 2006 na ginanap noong Linggo sa National Museum. Early favorite ang 22 year-old beauty kaya walang nagprotesta nang siya ang mapili bilang Miss Earth mula sa 83 candidates na nagmula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Si Miss India Amita Pakri ang Miss Air (second runner-up), Miss Water (3rd runner-up) si Catherine Untalan ng Pilipinas at Miss Fire (4th runner up) ang Miss Venezuela na si Marianne Puglia Martinez.

Si Ariel Ureta at Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles ng Brazil ang mga naging host ng coronation night.

Hindi pa rin kumukupas ang husay ni Ariel bilang host at naging liability ng pageant night si Priscilla dahil hindi masyadong maintindihan ang kanyang mga sinasabi.

Si Priscilla ang current girlfriend ng Sports Unlimited co-host na si Marc Nelson kaya isa ito sa mga ininterbyu ng dating beauty queen habang nanonood ng Miss Earth 2006.

***

Lumabas ang pagiging "baby" ni Miguel Mendoza ng Philippine Idol dahil overwhelmed siya sa evaluation ng judges sa kanyang performance. Bunso ang tawag kay Miguel dahil ito ang pinakabata (17 years old) sa mga finalist ng Philippine Idol.

Noong Linggo, speechless si Miguel at parang bata na napaiyak dahil sa unang pagkakataon, pinuri nina Pilita Corrales at Francis Magalona ang kanyang performance.

Sigurado kami na mas nakapagpaluha kay Miguel ang sinabi ni Ryan Cayabyab na kahit hindi siya maging Philippine Idol, ipagko-compose siya ng kanta ng respetado at award-winning musician.

Imposibleng hindi naapektuhan si Miguel ng pangako ni Ryan dahil sa tatlong judges ng Philippine Idol, si Ryan ang madalas na pumupuna sa mga kakulangan niya sa pagkanta.

Malakas ang hatak ni Miguel sa text voters kaya kahit mas magagaling sa kanya ang ibang contestants, hindi siya matanggal sa naturang show.

***

Maraming salamat sa reader na nagpadala sa amin ng "Ho-hum questions" ng mga reporter na nag-interbyu kay Manny Pacquiao nang dumating ito mula sa Amerika noong Biyernes.

Napanood namin ang mga interview kay Manny kaya isa kami sa makapagpapatunay na totoo at hindi kathang-isip ang mga paulit-ulit na tanong na kinaaliwan ng televiewers:

10. Manny, tatakbo ka ba sa eleksyon? (Maglalakad po siya).

9. Manny, may balitang papasukin mo raw ang pulitika. Totoo ba? (Balita pa lang ‘yon).

8. Outside the Quiapo Church: Manny, ipinagdasal mo ba ang susunod mong laban kay Barrera? (Ni hindi nga alam ni Manny kung sino ang susunod niyang makakalaban, ha?)

7. Tatlong milyong dolyar ang iyong napanalunan Manny. Ano ang balak mong gawin sa napakalaking halagang iyan?

6. Matagal-tagal ka ...
Next part ►


This page:




Help/FAQ | Terms | Imprint
Home People Pictures Videos Sites Blogs Chat
Top
.